Ang Pinili ni Uncle Ben
(Maikling Kuwento ng Nigeria)
Salin ni Delfin Tolentino Jr. ng "Uncle Ben's Choice" ni Chinua Achebe
I. PAGKILALA SA MAY-AKDA
Si Albert Chinualumogu Achebe o mas kilala bilang Chinua Achebe ay isa sa pinakamahusay na manunulat na ipinanganak sa bansang Nigeria noong ika-16 ng Nobyembre 1930. Ang kanyang pamilya ay kabilang sa tribong Igbo. Isa sa kanyang maraming akdang naisulat ay ang ‘Uncle Ben’s Choice’ o ‘Ang Pinili ni Uncle Ben’. Ito ay tumatalakay sa kultura ng mga Niger tulad na lamang ng pagpapakita ni Mami Wata kay Jolly Ben. Si Mami Wata ang espiritu ng tubig na makikita sa kahabaan ng kanlurang baybayin at gitnang Africa. Siya ay bahagi ng iba pang espiritu ng tubig na kilala sa tawag sa Igbo bilang Ndi Mmili. Ang akdang ‘Ang Pinili ni Uncle Ben’ ay may tema ng pagpapahalaga at pagtitimbang-timbang ng pamilya at kayamanan na magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay natin. Ang nag-udyok sa kanya upang isulat ang akda ay ang kanyang kagustuhang mapanatili ang kanyang kultura sa pamamagitan ng pagsulat ng mga akda na may kinalaman dito.
II. URI NG PANITIKAN
Ito ay isang maikling kwento ng Nigeria. Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Sa akdang ‘Ang Pinili ni Uncle Ben’, isinasalaysay dito ang buhay ni Jolly Ben kung saan itinaboy niya si Mami Wata; ang diwata ng Niger. Makikita dito na mas pinili niya ang kanyang asawa at mga anak sa halip na kayamanan.
III. LAYUNIN NG AKDA
Ang akda ay isinulat para magturo ng mga aral na magagamit natin sa ating araw-araw na pamumumhay. Una, ipinakita sa atin kung gaano kahalaga ang pamilya, tulad na lamang sa kwento, na mas pinili ni Jolly Ben ang kanyang asawa at mga anak kaysa sa yaman na agad niyang makukuha kapag sumama siya kay Mami Wata. Pangalawa, itinuturo rin dito ang pagkakaroon ng kontrol sa ating sarili, ang halimbawa niyo ay ang pag-inom ni Jolly Ben noong Bagong Taon, sinabi niya sa sarili niya na uuwi na siya dahil mag-aalas tres na ng madaling araw. Pangatlo, tinuturan nito tayong pahalagahan ang mga sinasabi sa atin ng mga matatanda, kagaya na lamang sa kwento na kung saan isinasabuhay ni Jolly Ben ang mga sinasabi ng kanyang ama, na dapat ay matutong matulog ng dilat.
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:
Mailalapat ang TEORYANG EKSISTENSYALISMO sapagkat si Jolly Ben ang nagdedesisyon at gumagawa sa mga bagay na gusto niyang gawin.
Maaari ding mailapat ang TEORYANG MORALISTIKO sapagkat sa bawat sitwasyon na kanyang haharapin ay mayroong pagtitimbang sa tama at mali.
Maaari ding mailapat ang TEORYANG HISTORIKAL sapagkat sa unang bahagi ng kwento ay sinabi ang taon na mil nuwebe siyentos disinuwebe. Ito ang taon kung saan tuluyan nang nasakop ng mga taga-Britanya ang Aprika.
Maaari ding mailapat ang TEORYANG KLASISMO sapagkat mas pinahalagahan ni Jolly Ben ang kanyang isip kaysa sa puso. Hindi siya nagpadala sa tukso noong dinalaw siya ni Mami Wata. Nagtapos rin ang akda nang may kaayusan.
IV. TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema ng maikling kuwento ay tungkol sa mga sumusunod: tamang pagdedesisyon, pagkakaroon ng malakas na prinsipyo, pagkakaroon ng paninindigan, ang pag-pili sa yaman sa iba pang bagay at ang pagiging maingat, ito ay talagang makabuluhan lalo na sa ating mga kabataan na dapat ay piliin ang desisyon na ating ginagawa at maging maingat para hindi magsisi sa ating gagawin. Ito'y napapanahon pa rin sapagkat may mga mangilan-ngilang tao pa rin na pipiliin ang yaman kesa sa mga mas mahahalagang bagay na dapat pinagtutuunan ng pansin.
V. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Si Uncle Ben ang nagsasalita sa maikling kuwento. Gumamit ang may-akda ng unang panauhan para mas lubos pa nating makilala si Uncle Ben, ang kanyang mga paniniwala, paninindigan at ang pangyayari sa kanyang buhay. Sa mga prinsipyong nalaman niya sa kanyang ama ay natuto si Uncle Ben na magkaroon ng lakas ng loob na mamili ng kanyang gusto. Sa kwento'y masasabi na ang nagkukwento ay isang taong di pa nalilikha sa panahong ating kinabibilangan, at ang Diwata na alam nating isang makapangyarihang nilalang na kumokontrol sa kalikasan o sa tunay na buhay, sa kuwentong ito'y nasasakupan niya ang buong Nigeria.
VI. TAGPUAN/PANAHON
Ang kuwento'y naganap ng taong mil nuwebe siyentos disinuwebe, ang tagpuan ay sa Nigeria, masasabi natin na ang pangyayari sa nasabing akda ay talagang makatotohanan, dahil hanggang sa ngayon ay kitang-kita at napapanahon parin ang mga pangyayari hindi man sa Nigeria kundi sa buong mundo, tulad na lamang ng pag-pili ng isang tao kung ang kayamanan ba o isa pang bagay ay nangyayari pa rin hanggang sa kasalukuyan.
VII. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Ang pagkakasunod-sunod ng kuwentong ito ay katulad din ng iba pang mga kuwento. Ito'y nagsimula sa pagpapakilala sa bida, ang susunod naman ay ang kanyang mga ginagawa at mga hilig, at ang huli ay ang problema at solusyon dito. Madali rin intindihin ang nais iparating ng may-akda ngunit ito ay naglalaman ng mga makabuluhang pahayag at magagandang aral.
Sa pagbabasa ng kuwentong ito, mapapansin mo na malabong mangyari ang isang parte ng kuwentong ito. Ito ay ang paglabas ng isang tauhan na si Mami Wata na isang diwata sa Nigeria. Ngunit kahit na ito ay piksyonal lamang, ang halaga ng pangyayari ito ay nagdulot ng isang magandang aral.
VIII. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Sa kuwentong ito, maipapakita ang mga ilang magagandang katangian ni Uncle Ben na dapat matutunan din ng mga tao. Una rito ang kanyang pagpapahalaga sa mga payo ng kanyang ama. Dapat marunong tayong makinig sa ating mga magulang dahil alam nila kung ano ang ikakabuti natin. Isa sa mga tinatandaan niya na sinabi ng kanyang ama ay ang, "Mag-ingat kapag labis na magiliw and pagbati sa iyo. Matuto tayong makiramdam sa bawat kinikilos ng mga tao dahil hindi natin alam ito'y isang tukso na pala. Kaya huwag tayo basta-bastang magtitiwala. Isa pa sa sinabi ng kanyang ama sakanya ay, "Kung ayaw mong malasing, matuto kang sumagot ng hindi." Matuto tayong humindi hindi lang sa usapan ng pag-inom ngunit pati na rin sa mga bagay na maaaring maging sanhi ng ating kapahamakan at matutong kontrolin ang sarili. Winika rin ng isa niyang kaibigan na si Matthew na "Hindi sinabi sa atin ng ating mga nuno na ang dapat nating piliin ay yaman sa halip na mga asawa at anak." Piliin natin ang mga bagay na makakapagpasaya sa atin na hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera at tandaan na hindi panghabang buhay ang kayamanan.
IX. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG MAY-AKDA
Ang istilo ng pagkasulat sa maikling kwento ay isang isang uri ng malikhaing pagsulat na piksyonal. Gumamit ang may-akda ng mag piksyonal na karakter tulad ni Mami Wata. Payak lamang ang mga salitang ginamit sa akda pamilyar na bokabularyo at madaling intindihin ngunit naglalaman rin ito ng matatalinghagang pahayag at kasabihan tulad na lamang ng “Dapat matuto kang matulog nang dilat ang isang mata” at “For every rule there must be an exception”.
X. BUOD
“Ang Pinili ni Uncle Ben” ay isang mailing kuwento tungkol sa isang lalaking nagngangalang Ben o kilala rin sa tawag na “Jolly Ben”. Siya ay isang klerk sa Niger Company sa Umuru, hilig niya ang sayawan tuwing Sabado ng gabi na mayroong sangkatutak na babae. Merong isang bagay na dapat tandaan tungkol sa kanta pupuwede kayong magtawanan, magbiruan, maginuman at gumawa ng kung anu-ano pa pero hindi siya mawawaglit sa kanyang katinuan. Sabi ng kanyang ama na dati matuto siyang matulog na dilat ang isang mata. Ang mga babae sa Uhuru ay matatalas pero naiiba doon si Margaret, isang babaeng mataas at malinaw-nilaw ang balat.Isang araw habang naglalakad ang mga taong pusturang pustura patungo sa simbahan na malapit sa bahay ni Ben kasama nilang naglalakad si Margaret nakita siya nitong nakadungaw sa bintana. Noong araw na iyon pumunta si Margaret sa bahay ni Ben pang sabihin na gusto niya itong maging Romano Katoliko. Kwinento niya paano siya natigil sa mga kalokohan niyang iyan. Bisperas noon ng pasko nagpunta siya sa Club wala sa bokabularyo niya ang malasing minsan ma’y hindi siya malasing. Laging sinasabi ng kanyang ama na matutong sumagot ng “hindi” kung ayaw niyang malasing. Magalas-tres ng madaling araw noong nakauwi siya noong panahong iyon nabilanggo noon ang kanilang senior clerk dahil sa pagnanakaw. Dumiretso na siya sa kanyang tulugan at bumagsak sa kanyang kama at nakita niyang may babae sa kanyang kartel. Naisip niyang agad si Margaret ito tinanong nito kung magtatagal siya ngunit hindi ito kumibo nagsuspetsa siya na naasar ito dahil hindi niya ito isinama sa club. Inamo-amo niya ito ngunit di pa rin ito nagsasalita. Kasinungalingan kung sasabihin niyang ayaw niyang pinupuntahan siya ng babae dahil katulad nga ng sabi natin “For every rule there must be an exception.” Napaigtad siya sa kama at napasigaw, “Sino ka?” ang tanong niya. Bumangon ang babae at inilahad ang kamay niya na para bang tinatawag siya. Napaisip siya bakit siya matatakot sa ibang babae kaya nagbanta siya “O sige, gusto mo bang buksan ko’ng bunganga mo?” at habang sinasabi niya ito kinakapa niya ang posporo sa lamesa. Natunugan ng babae kung ano ang hinahanap niya. Sabi ng babae, “Biko akpakwana oku.” Sagot ni Ben, “Samakatuwid, hindi ka babaeng puti. Sino ka sisindihan ko na itong posporo kung hindi ka makapagsalita.” Inalog alog niya ang posporo para ipakita na seryoso siya at inisip kung kaninong boses na iyong pamilyar yata sakanya. “Halika ka rito katre at sasabihin ko sa’yo.” ang narinig niya sa babae. Sintamis ng asukal ang boses nitro ngunit hindi pamilyar kay Ben. ”Nakikiusap ako,” huling narinig ni Ben sakanya. Sinto-sinto siyang pumunta sa bahay ni Matthew “Pakibukas,” “Parang awa mo na,pakibukas,” sabi ni Ben. Bumagsak siya sa sahig at nasambit ni Matthew “Diyos ko, ano ito?” Binuhusan siya ni Matthew ng malamig na tubig at pagkaraan ng ilang sandali nailahad na ni Ben ang nangyari. Tinanong nito kung anong itsura ngunit sinabi niyang hindi niya ito nakita at ngunit narinig niya ang boses “Oo, narinig ko ang boses niya. At hinipo ko siya at hinipo niya ako,” sabi ni Ben. ”Hindi ko masabi na tama ang ginawa mo na tinakot siya,” ang sabi ni Matthew. Dahil sa sinabi ni Matthew naunawaan agad ni Ben na binisita siya ni Mami Wata, ang Diwata ng Niger. Nagsalita uli si Matthew,”Depende yan sa kung among gusto mo sa buhay. Kung yaman ang hanap mo, nagkamali ka sa ginawa mo, pero kung ikaw ay tunay na anak ng ama mo, tanggapin mo ang aking pagbati.” Nagkamayan sila at winika ni Ben,”Hindi sinabi sa atin sa atin ng mga nuno na dapat naging piliin ay yaman sa halip na mga asawa’t anak.” Kaya tuning naiinis sida sa kanyang mga asana niloloko niya itong sana pinili niya na lamang si Mami Wata. Noong gabing tinaboy niya si Mami Wata pumunta ito kay Dr.J.M. ang pinakamayamang tao sa buong bansa pero hindi pumayag si Mami Wata na magpakasal sa kanya. Nang namatay siya lahat ng kanyang yaman ay napunta sa iba. ”Iba ba ang klase ng yamang hanap natin? Tinatanong kita. Sana hindi!” Ito ang huling linya sa maikling kwento pinaparating nito na dapat pahalagahan natin ang pamilya natin kaysa sa pera. Walang hihigit na kayaman sa isang pamilya.