Mga Talulot na Dugo - Kabanata 2
(Nobela mula sa Kenya)
Salin ni Romeo G. Dizon ng Petals of Blood ni Ng农g末 wa Thiong'o
I. PAGKILALA SA MAY-AKDA馃懆
Si Ng农g末 wa Thiong'o ay ipinanganak sa Kenya sa pamilyang
magsasaka. Siya ay unang ipinanganak
bilang James Thiong’o Ngugi in Limuru sa Kenya noong 1938. Isinulat niya ang
nobelang "Petals of Blood" o "Mga Talulot na Dugo" na
kasasalaminan ng mga nangyari sa Kenya tulad ng inhustisya at hindi
pagkakapantay-pantay sa lipunan na nag-udyok kay Ng农g末 wa Thiong'o para isulat
ang nobelang ito.
Ang
kanyang nobela ay tumutukoy sa panitikang-pampulitika. Kakikitaan rin ang
nobelang ito ng pag-aalinlangan ng tao sa pagbabago pagkatapos lumaya ng Kenya
mula sa Imperyo ng Britanya. Binibigyang tuon din dito kung paano tinutularan
ng malayang Kenya ang patuloy na pang-aapi sa kanila na natagpuan sa panahon
nito bilang isang kolonya. Dahil sa kanyang nobela, inaresto at ikinulong siya nang walang
isinasampang kaso. Sa loob ng piitan, napagpasiyahan niyang talikuran ang
wikang Ingles at yakapin ang wikang Gikusyu, wika ng kanyang bayan.
∴Dahil sa mga katangiang ito, mapatutunayan na isang malikhaing nobela ang Mga Talulot na Dugo.
Layunin ng akda na imulat ang mga mambabasa sa mga nangyayari sa paligid. Nais nitong ipuon ang atensyon ng mga tao sa isang lugar na may nagaganap na kaguluhan/pangyayari. Ibig ng may-akda na ibuhos ang tingin sa kakulangan ng kaalaman at gamit sa edukasyon sa ilang mga probinsya sa Africa partikular na sa Ilmorog. Kahit alam nilang mababa ang edukasyon nila doon ay hindi padin sila nawawalan ng pag-asa na mabago ito. Isa rin sa layunin ng kwentong ito na kaya magbago ang isang sitwasyon/tao/bagay kung merong kikilos. Walang imposible sa mundo.
II. URI NG PANITIKAN馃摎
Ang "Petals of Blood" o "Mga Talulot na Dugo" ay isang nobela na isinulat ni Ng农g末 wa Thiong'o ng limang taon at nailimbag noong 1977. Ang nobela ay isang mahabang uri ng piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Ang istoryang "Mga Talulot na Dugo" ay isang nobela dahil ito ay nagsalaysay ng mga pangyayaring malawak ang saklaw at kinakikitaan ito ng mga sumusunod na katangian:
•Pumupuna sa larangan ng buhay- naka base ito sa katotohanan na may layuning mabuksan ang mga mata ng mambabasa ukol sa mga nangyayari sa tao/lipunan. Kakikitaan rin ito ng mga karanasan ng may akda.
•Malikhain- gumamit ang awtor ng mga malalalim at matatalinghagang salita na epektibong nakatulong tungo sa kasiningan at kariktan ng nobela.
•Malinis at maayos- Malinaw ang ang mga ideya at ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari.
•Maraming ligaw na tagpuan- hindi lamang iisa ang tagpuan/panahon.
•Pumupukaw sa damdamin ng mambabasa- naaakit ang mga mambabasa dahil kawili-wili ito .
•Pumupuna sa larangan ng buhay- naka base ito sa katotohanan na may layuning mabuksan ang mga mata ng mambabasa ukol sa mga nangyayari sa tao/lipunan. Kakikitaan rin ito ng mga karanasan ng may akda.
•Malikhain- gumamit ang awtor ng mga malalalim at matatalinghagang salita na epektibong nakatulong tungo sa kasiningan at kariktan ng nobela.
•Malinis at maayos- Malinaw ang ang mga ideya at ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari.
•Maraming ligaw na tagpuan- hindi lamang iisa ang tagpuan/panahon.
•Pumupukaw sa damdamin ng mambabasa- naaakit ang mga mambabasa dahil kawili-wili ito .
∴Dahil sa mga katangiang ito, mapatutunayan na isang malikhaing nobela ang Mga Talulot na Dugo.
III. LAYUNIN NG AKDA馃攳馃搷
Layunin ng akda na imulat ang mga mambabasa sa mga nangyayari sa paligid. Nais nitong ipuon ang atensyon ng mga tao sa isang lugar na may nagaganap na kaguluhan/pangyayari. Ibig ng may-akda na ibuhos ang tingin sa kakulangan ng kaalaman at gamit sa edukasyon sa ilang mga probinsya sa Africa partikular na sa Ilmorog. Kahit alam nilang mababa ang edukasyon nila doon ay hindi padin sila nawawalan ng pag-asa na mabago ito. Isa rin sa layunin ng kwentong ito na kaya magbago ang isang sitwasyon/tao/bagay kung merong kikilos. Walang imposible sa mundo.
馃憠TEORYANG PAMPANITIKAN馃憟
1. Sosyolohikal - Ipinapakita rito ang kalagayan ng isang lipunan sa akda kung saan ang Ilmorog ay may problema sa kanilang edukasyon doon.
2. Eksistensyalismo - Ipinakita rito sa akda na pinili ni Munira na manatili sa Ilmorog sa pag-asang mababago pa ang edukasyon doon.
3. Realismo - Ipinakita rin sa akda ang mga naranasan at nasaksihan ng may akda sa kanyang lipunan.
IV. TEMA O PAKSA NG AKDA馃挕
Ang tema ng akdang “Talulot ng Dugo” ay karaniwang umiikot sa edukasyon at sa mga lupain. Sa unang bahagi ng nobela ay ipinakita na walang maayos na sistema ng edukasyon at hindi sapat ang mga nalalaman ng mga kabataan doon. Karamihan sa mga bata ay maagang nagtrabaho at nagpapastol sa mga lupain upang tulungan ang kanilang mga magulang. Binigyang pansin din sa akda ang kahalagahan ng edukasyon at ipinakita ito sa unang bahagi pa lamang ng nobela. Kahit na walang maayos na pook upang pagdausan ng klase ay nagturo at nagsikap si Godfrey Munira upang turuan ang mga bata kahit na siya ay tinataguan nito.V. MGA TAUHAN馃懄馃懅馃懆馃懇
✨MGA PANGUNAHING TAUHAN✨
•Munira - Lalaking masipag na nagpupunta sa isang sira at lumang paaralan upang magturo. Nahulog ang kanyang loob kay Wanja. Isang manununog na hinahanap ng mga pulis.
•Karega - Batang lalaki na nagtatrabaho bilang isang katulong sa pagtuturo ni Munira sa paaralan. Bago matapos ang paglalakbay sa Nairobi, naging interesado siya sa sosyalismo, at nagsimulang ituro sa kanyang sarili ang mga prinsipyo at mga batas. Gayunpaman, sa kalaunan siya ay naging dislusyonal sa epekto ng edukasyon. Bilang isang binata, niligawan niya ang kapatid ni Munira na biglang nagpakamatay; ito ay hindi alam ni Munira hanggang sa sinabi na lamang ni Karega ito sa kanya at sa iba pagkatapos malasing sa pag-inom ng Theng'eta.
•Wanja - Apong babae ni Nyakinyua. Isang bihasang barenido na iniwan ang kanyang nakaraan sa lungsod. Siya ay nahulog kay Karega, bagaman siya ay may natitirang pag-ibig pa rin kay Munira. Siya ay maturulog kay Abdulla dahil sa kanyang paggalang sa mga nagawa nito sa rebelyong Mau Mau. Isang masipag na barenida, tinulungan niyang maging matagumpay si Abdulla sa kanyang tindahan. Nang maglaon, naging isang kalapating mababa ang lipad(prostitute) bago madamay sa pag-atake ni Munira.
•Abdulla - Isang tindero na nawalan ng binti sa rebelyong Mau Mau. Ang kanyang pangungahing mga pinagkakakitaan sa buhay ay ang kanyang tindahan, asno(donkey), at si Joseph na inalagaan at tinuring niyang parang sariling kapatid.
馃挜IBA PANG MGA TAUHAN SA AKDA馃挜
•Nyakinyua - Ang matandang babae na nakitang tumae sa pagitan ng paaralan at ng akasya. Isa sa mga pinakaginagalang na babae sa nayon.
•Muriuki – Batang lalaki na ayaw mag-aral. Natagpuan ni Munira sa burol habang bumababa sa kanyang kabayo.
•Waambui – Ina ni Muriuki.
•Joseph – Maliit at patpating kasama ni Abdulla. Inalagaan at itinuring niya ito bilang isang kapatid.
•Ndemi - Isang maalamat, ang kanyang espiritu minsa’y nagtanod sa bayang Ilmorog bago dumating ang imperyalismo at palitan ang plano ng mga bagay.
•Mwathi wa Mugo – Siya ang nangutya sa maalamat na si Ndemi, ang nagsabi na gawing banal para sa mga tagaytay at kapatagan at naghatol ng paghadlang.
•Mzigo - Isang kapitalista sa Kenya.Siya ang nagpadala kay Munira sa Ilmorog. Ginamit ito ng manunulat bilang representasyon ng iba’t ibang lebel at uri ng tao sa Kenya noon.
•Muturi, Njuguna, at Ruoro – Mga nakaririwasang pesante na naglulutas ng mga hidwaan sa pagitan ng mga pamilya pati na rin sa kanilang komunidad.
•Ang mga Bata -Sila ang mga gustong turuan ni Munira sa nayon.
VI.TAGPUAN馃搷⏰
•Ilmorog - Ito ang bayan kung saan nagpunta si Munira upang magturo sa mga kabataan na huminto sa pag-aaral.•Abandonadong paaralan- paaraln na sira at may pintuan, halos gumuhong mga pader, at kinakalawang na mga bubong.
•Pagitan ng paaralan at akasya - Dito nakita ng mga bata ang matandang babae na tumae ng gabundok ang dami.
•Ilalim ng punong akasya - Sa ilalim ng punong ito unang nagturo si Munira.
•kei-apple na bakod ng paaralan -Dito hinintay ng bata si Munira at biglaang nakakita ng isang matandang babae na dumadaan at kanyang nakausap.
•Burol at kapatagan - Dito pinakakaskas ni Munira ang kanyang kabayo upang tugisin ang mga nawawalang bata.
•Ruwa-ini - Ito ang kapitolyo ng distrito ng Chiri.
•Tagaytay
•Tindahan - Sa lugar na ito nagkausap sina Muturi, Njuguna, Ruoro, at Munira.
•Labindalawang taon pagkaraan - panahon kung kailan dumating si Munira sa Ilmorog upang magturo.
VII. NILALAMAN O BALANGKAS NG PANGYAYARI馃搶馃搩
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng hindi pagbigay ng malugod na pagsalubong ng mga mamamayan kay Munira. Hindi siya sinusuportahan ng mga mamamayan ng Ilmorog sapagkat ang mga naunang guro ay ayaw magturo sa paaralan na kanyang napuntahan. Hindi ito karaniwan dahil ang ibang akdang pampanitikan ay nagbibigay ng maligayang pagtanggap sa isang dayuhan. Ipinag bigyang-pansin dito ang dedikasyon ni Munira sa pagtuturo kahit ang kanyang mga mag-aaral ay hindi pinapahalagahan ang kanilang pag-aaral. Ipinakita rin dito kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Abdulla na sumusuporta sa kanyang buhay bilang isang guro. Sa pangkalahatan, mahusay na ipinakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang masmadaling maintindihan ng mga mambabasa ang akda.VIII. MGA KAISIPAN馃攳馃攽馃挕
1. Iniwan tayo ng ating mga kabataan. Tinawag sila ng kumikinang na bakal.2. Nahihinto sa pag-aaral ang mga kabataan na nais makatulong sa pamilya o makapagtrabaho.
3. Ang mga kamay ng isang Msomi ay mismong isang aklat.
4. Ang kanilang kausyosohan sa takot na nagtatago sa mga mukhang nakaupo sa mga sulok ng magagarang Mercedes Benz, sa kabila ng mga dingding ng mga mansiyon at mga pribadong klub na dating nakalaan lamang para sa mga Europeo.
4. Ang kanilang kausyosohan sa takot na nagtatago sa mga mukhang nakaupo sa mga sulok ng magagarang Mercedes Benz, sa kabila ng mga dingding ng mga mansiyon at mga pribadong klub na dating nakalaan lamang para sa mga Europeo.
5. Ang kanilang katapatan na maipagkakaiba sa malalaking tiyang buntis sa malisya’t katusuhan na binabagtas ang kahabaan ng isang golf course habang nakikipag-ayos ng mga negosyo.
6. Hindi ako nakatitiyak kung ang iba’y hindi pa nagsimulang atupagin lamang ang kanilang mga tiyan.
6. Hindi ako nakatitiyak kung ang iba’y hindi pa nagsimulang atupagin lamang ang kanilang mga tiyan.
IX. ESTILO NG PAGKAKASULAT馃搼✏
Ipinapakita ng kabanatang ito ang mga pangyayari sa panahon ng pagbabalik ni Munira sa Ilmorog. Binigyan ng may-akda ng maraming detalye ang mga pangyayari na binanggit upang matulungan ang mga mambabasa sa pagbibigay ng imahe dito. Ngunit, dahil sa pagkakaroon ng masyadong maraming detalye na ibinigay at sa paggamit ng mga malalalim na salita, maaaring tamarin ang ibang mambabasa sa pagbabasa nito.X. BUOD馃摐馃摑
Ang "Talulot na Dugo" ay isang nobelang panlipunan at pampulitikang pintas na inihagis sa anyo ng isang kuwento sa krimen. Tatlo ang mga direktor ng lokal na serbeserya sa Ilmorog ang namatay dahil sa sunog. Arson ang pinaghihinalaang nangyari, at ang nobela ay bubukas sa pag-aresto sa apat na pangunahing mga karakter: Munira, ang kalaban, punong-guro ng paaralan sa Ilmorog; Karega, isang guro sa paaralan; Abdulla, ang may-ari ng isang lokal na tindahan at bar; at Wanja, isang dalaga na nagtatrabaho sa tindahan ni Abdulla at nang maglaon ay naging isang patutot.Ang kuwento ay nagsisimula sa isang serye ng paglilipat ng mga oras, lumipat mula sa kasalukuyan hanggang sa nakaraan. Ito ay labindalawang taon bago ang panahon ng malalang apoy na unang ginawa ni Munira sa nayon ng Ilmorog. Dumating siya dahil gusto niyang magtatag ng isang paaralan na magbibigay sa mga batang nayon ng isang mabuting Kristiyanong edukasyon. Noong panahong iyon, ang Ilmorog ay isang maalikabok, nag-aantok, walang katapusang lugar ng isang nayon, at dahil ang iba ay dumating sa harap niya at umalis din, ang lahat sa Ilmorog ay naniniwala na si Munira ay "papalayo na sa hangin." Gayunman, si Munira ay gawa sa matigas na bagay na hindi basta-basta nasisira. Nananatili at nagpanukala siya sa suporta ng iba, kabilang si Abdulla, Karega, at ang kaakit-akit na Wanja; ang isang malaking bahagi ng nobela ay nakatuon sa pagbubunyag ng paraan kung saan ang buhay ng apat na mga tao na ito ay nalilito.
Si Inspector Godfrey, isang malakas na mananampalataya sa pulisya bilang "ang gumagawa ng modernong Kenya," ang namamahala sa pag-imbestiga sa pagkamatay ng tatlong direktor. Si Godfrey ay isang walang humpay na interogador ni Munira at ng kanyang mga kaibigan, at sa pamamagitan ng kanyang pagsisiyasat ang mambabasa ay natututo tungkol sa apat na pangunahing mga character at ang kanilang paglahok sa isa't isa.
Ipinahayag din ni Ngugi ang mga pagbabagong pisikal at espirituwal na nagbago sa nayon ng Ilmorog mula sa isang "maliliit na kumpol ng mga putik na putik" sa isang nagdadalamhati na bagong bayan "ng mga bato, bakal, kongkreto at salamin at mga ilaw ng neon." ng materyalistang bagahe na nauugnay sa pag-unlad sa Kanluran, at sa "pag-unlad" na ito ay dumating.
Gawain 1.1 Pagkilala sa mga Tauhan
ReplyDeleteSa pamamagitan ng talahanayan, kilalanin ang sumusunod na tauhan. Isulat ang
sagot sa loob ng kahon.
Tauhan Kalakasan Kahinaan Mahalagang
ginawa
Dahilan ng
kaniyang
ginawa
1. Munira
2. Abdulla
3. Nyakinyua
4. Karega
5. Wanja
Yawaen ka HAHAHAHHA
DeleteMunira mahalagang ginawa Niya
ReplyDelete