Tuesday, January 2, 2018

Ang Pinili ni Uncle Ben

Ang Pinili ni Uncle Ben
(Maikling Kuwento ng Nigeria)
Salin ni Delfin Tolentino Jr. ng "Uncle Ben's Choice" ni Chinua Achebe


I. PAGKILALA SA MAY-AKDA
      Si Albert Chinualumogu Achebe o mas kilala bilang Chinua Achebe ay isa sa pinakamahusay na manunulat na ipinanganak sa bansang Nigeria noong ika-16 ng Nobyembre 1930. Ang kanyang pamilya ay kabilang sa tribong Igbo. Isa sa kanyang maraming akdang naisulat ay ang ‘Uncle Ben’s Choice’ o ‘Ang Pinili ni Uncle Ben’. Ito ay tumatalakay sa kultura ng mga Niger tulad na lamang ng pagpapakita ni Mami Wata kay Jolly Ben. Si Mami Wata ang espiritu ng tubig na makikita sa kahabaan ng kanlurang baybayin at gitnang Africa. Siya ay bahagi ng iba pang espiritu ng tubig na kilala sa tawag sa Igbo bilang Ndi Mmili. Ang akdang ‘Ang Pinili ni Uncle Ben’ ay may tema ng pagpapahalaga at pagtitimbang-timbang ng pamilya at kayamanan na magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay natin. Ang nag-udyok sa kanya upang isulat ang akda ay ang kanyang kagustuhang mapanatili ang kanyang kultura sa pamamagitan ng pagsulat ng mga akda na may kinalaman dito.

II. URI NG PANITIKAN 
      Ito ay isang maikling kwento ng Nigeria. Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Sa akdang ‘Ang Pinili ni Uncle Ben’, isinasalaysay dito ang buhay ni Jolly Ben kung saan itinaboy niya si Mami Wata; ang diwata ng Niger. Makikita dito na mas pinili niya ang kanyang asawa at mga anak sa halip na kayamanan.

III. LAYUNIN NG AKDA
      Ang akda ay isinulat para magturo ng mga aral na magagamit natin sa ating araw-araw na pamumumhay. Una, ipinakita sa atin kung gaano kahalaga ang pamilya, tulad na lamang sa kwento, na mas pinili ni Jolly Ben ang kanyang asawa at mga anak kaysa sa yaman na agad niyang makukuha kapag sumama siya kay Mami Wata. Pangalawa, itinuturo rin dito ang pagkakaroon ng kontrol sa ating sarili, ang halimbawa niyo ay ang pag-inom ni Jolly Ben noong Bagong Taon, sinabi niya sa sarili niya na uuwi na siya dahil mag-aalas tres na ng madaling araw. Pangatlo, tinuturan nito tayong pahalagahan ang mga sinasabi sa atin ng mga matatanda, kagaya na lamang sa kwento na kung saan isinasabuhay ni Jolly Ben ang mga sinasabi ng kanyang ama, na dapat ay matutong matulog ng dilat.

PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:
      Mailalapat ang TEORYANG EKSISTENSYALISMO sapagkat si Jolly Ben ang nagdedesisyon at gumagawa sa mga bagay na gusto niyang gawin.
      Maaari ding mailapat ang TEORYANG MORALISTIKO sapagkat sa bawat sitwasyon na kanyang haharapin ay mayroong pagtitimbang sa tama at mali.
      Maaari ding mailapat ang TEORYANG HISTORIKAL sapagkat sa unang bahagi ng kwento ay sinabi ang taon na mil nuwebe siyentos disinuwebe. Ito ang taon kung saan tuluyan nang nasakop ng mga taga-Britanya ang Aprika.
      Maaari ding mailapat ang TEORYANG KLASISMO sapagkat mas pinahalagahan ni Jolly Ben ang kanyang isip kaysa sa puso. Hindi siya nagpadala sa tukso noong dinalaw siya ni Mami Wata. Nagtapos rin ang akda nang may kaayusan.

IV. TEMA O PAKSA NG AKDA 
      Ang tema ng maikling kuwento ay tungkol sa mga sumusunod: tamang pagdedesisyon, pagkakaroon ng malakas na prinsipyo, pagkakaroon ng paninindigan, ang pag-pili sa yaman sa iba pang bagay at ang pagiging maingat, ito ay talagang makabuluhan lalo na sa ating mga kabataan na dapat ay piliin ang desisyon na ating ginagawa at maging maingat para hindi magsisi sa ating gagawin. Ito'y napapanahon pa rin sapagkat may mga mangilan-ngilang tao pa rin na pipiliin ang yaman kesa sa mga mas mahahalagang bagay na dapat pinagtutuunan ng pansin.

V. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA 
      Si Uncle Ben ang nagsasalita sa maikling kuwento. Gumamit ang may-akda ng unang panauhan para mas lubos pa nating makilala si Uncle Ben, ang kanyang mga paniniwala, paninindigan at ang pangyayari sa kanyang buhay. Sa mga prinsipyong nalaman niya sa kanyang ama ay natuto si Uncle Ben na magkaroon ng lakas ng loob na mamili ng kanyang gusto. Sa kwento'y masasabi na ang nagkukwento ay isang taong di pa nalilikha sa panahong ating kinabibilangan, at ang Diwata na alam nating isang makapangyarihang nilalang na kumokontrol sa kalikasan o sa tunay na buhay, sa kuwentong ito'y nasasakupan niya ang buong Nigeria.

VI. TAGPUAN/PANAHON 
      Ang kuwento'y naganap ng taong mil nuwebe siyentos disinuwebe, ang tagpuan ay sa Nigeria, masasabi natin na ang pangyayari sa nasabing akda ay talagang makatotohanan, dahil hanggang sa ngayon ay kitang-kita at napapanahon parin ang mga pangyayari hindi man sa Nigeria kundi sa buong mundo, tulad na lamang ng pag-pili ng isang tao kung ang kayamanan ba o isa pang bagay ay nangyayari pa rin hanggang sa kasalukuyan.

VII. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
      Ang pagkakasunod-sunod ng kuwentong ito ay katulad din ng iba pang mga kuwento. Ito'y nagsimula sa pagpapakilala sa bida, ang susunod naman ay ang kanyang mga ginagawa at mga hilig, at ang huli ay ang problema at solusyon dito. Madali rin intindihin ang nais iparating ng may-akda ngunit ito ay naglalaman ng mga makabuluhang pahayag at magagandang aral.
      Sa pagbabasa ng kuwentong ito, mapapansin mo na malabong mangyari ang isang parte ng kuwentong ito. Ito ay ang paglabas ng isang tauhan na si Mami Wata na isang diwata sa Nigeria. Ngunit kahit na ito ay piksyonal lamang, ang halaga ng pangyayari ito ay nagdulot ng isang magandang aral.
 
VIII. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
      Sa kuwentong ito, maipapakita ang mga ilang magagandang katangian ni Uncle Ben na dapat matutunan din ng mga tao. Una rito ang kanyang pagpapahalaga sa mga payo ng kanyang ama. Dapat marunong tayong makinig sa ating mga magulang dahil alam nila kung ano ang ikakabuti natin. Isa sa mga tinatandaan niya na sinabi ng kanyang ama ay ang, "Mag-ingat kapag labis na magiliw and pagbati sa iyo. Matuto tayong makiramdam sa bawat kinikilos ng mga tao dahil hindi natin alam ito'y isang tukso na pala. Kaya huwag tayo basta-bastang magtitiwala. Isa pa sa sinabi ng kanyang ama sakanya ay, "Kung ayaw mong malasing, matuto kang sumagot ng hindi.Matuto tayong humindi hindi lang sa usapan ng pag-inom ngunit pati na rin sa mga bagay na maaaring maging sanhi ng ating kapahamakan at matutong kontrolin ang sarili. Winika rin ng isa niyang kaibigan na si Matthew na "Hindi sinabi sa atin ng ating mga nuno na ang dapat nating piliin ay yaman sa halip na mga asawa at anak.Piliin natin ang mga bagay na makakapagpasaya sa atin na hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera at tandaan na hindi panghabang buhay ang kayamanan.

IX. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG MAY-AKDA
      Ang istilo ng pagkasulat sa maikling kwento ay isang isang uri ng malikhaing pagsulat na piksyonal. Gumamit ang may-akda ng mag piksyonal na karakter tulad ni Mami Wata. Payak lamang ang mga salitang ginamit sa akda pamilyar na bokabularyo at madaling intindihin ngunit naglalaman rin ito ng matatalinghagang pahayag at kasabihan tulad na lamang ng “Dapat matuto kang matulog nang dilat ang isang mata” at “For every rule there must be an exception”.

X. BUOD
      “Ang Pinili ni Uncle Ben” ay isang mailing kuwento tungkol sa isang lalaking nagngangalang Ben o kilala rin sa tawag na “Jolly Ben”. Siya ay isang klerk sa Niger Company sa Umuru, hilig niya ang sayawan tuwing Sabado ng gabi na mayroong sangkatutak na babae. Merong isang bagay na dapat tandaan tungkol sa kanta pupuwede kayong magtawanan, magbiruan, maginuman at gumawa ng kung anu-ano pa pero hindi siya mawawaglit sa kanyang katinuan. Sabi ng kanyang ama na dati matuto siyang matulog na dilat ang isang mata. Ang mga babae sa Uhuru ay matatalas pero naiiba doon si Margaret, isang babaeng mataas at malinaw-nilaw ang balat.Isang araw habang naglalakad ang mga taong pusturang pustura patungo sa simbahan na malapit sa bahay ni Ben kasama nilang naglalakad si Margaret nakita siya nitong nakadungaw sa bintana. Noong araw na iyon pumunta si Margaret sa bahay ni Ben pang sabihin na gusto niya itong maging Romano Katoliko. Kwinento niya paano siya natigil sa mga kalokohan niyang iyan. Bisperas noon ng pasko nagpunta siya sa Club wala sa bokabularyo niya ang malasing minsan ma’y hindi siya malasing. Laging sinasabi ng kanyang ama na matutong sumagot ng “hindi” kung ayaw niyang malasing. Magalas-tres ng madaling araw noong nakauwi siya noong panahong iyon nabilanggo noon ang kanilang senior clerk dahil sa pagnanakaw. Dumiretso na siya sa kanyang tulugan at bumagsak sa kanyang kama at nakita niyang may babae sa kanyang kartel. Naisip niyang agad si Margaret ito tinanong nito kung magtatagal siya ngunit hindi ito kumibo nagsuspetsa siya na naasar ito dahil hindi niya ito isinama sa club. Inamo-amo niya ito ngunit di pa rin ito nagsasalita. Kasinungalingan kung sasabihin niyang ayaw niyang pinupuntahan siya ng babae dahil katulad nga ng sabi natin “For every rule there must be an exception.” Napaigtad siya sa kama at napasigaw, “Sino ka?” ang tanong niya. Bumangon ang babae at inilahad ang kamay niya na para bang tinatawag siya. Napaisip siya bakit siya matatakot sa ibang babae kaya nagbanta siya “O sige, gusto mo bang buksan ko’ng bunganga mo?” at habang sinasabi niya ito kinakapa niya ang posporo sa lamesa. Natunugan ng babae kung ano ang hinahanap niya. Sabi ng babae, “Biko akpakwana oku.” Sagot ni Ben, “Samakatuwid, hindi ka babaeng puti. Sino ka sisindihan ko na itong posporo kung hindi ka makapagsalita.” Inalog alog niya ang posporo para ipakita na seryoso siya at inisip kung kaninong boses na iyong pamilyar yata sakanya. “Halika ka rito katre at sasabihin ko sa’yo.” ang narinig niya sa babae. Sintamis ng asukal ang boses nitro ngunit hindi pamilyar kay Ben. ”Nakikiusap ako,” huling narinig ni Ben sakanya. Sinto-sinto siyang pumunta sa bahay ni Matthew “Pakibukas,” “Parang awa mo na,pakibukas,” sabi ni Ben. Bumagsak siya sa sahig at nasambit ni Matthew “Diyos ko, ano ito?” Binuhusan siya ni Matthew ng malamig na tubig at pagkaraan ng ilang sandali nailahad na ni Ben ang nangyari. Tinanong nito kung anong itsura ngunit sinabi niyang hindi niya ito nakita at ngunit narinig niya ang boses “Oo, narinig ko ang boses niya. At hinipo ko siya at hinipo niya ako,” sabi ni Ben. ”Hindi ko masabi na tama ang ginawa mo na tinakot siya,” ang sabi ni Matthew. Dahil sa sinabi ni Matthew naunawaan agad ni Ben na binisita siya ni Mami Wata, ang Diwata ng Niger. Nagsalita uli si Matthew,”Depende yan sa kung among gusto mo sa buhay. Kung yaman ang hanap mo, nagkamali ka sa ginawa mo, pero kung ikaw ay tunay na anak ng ama mo, tanggapin mo ang aking pagbati.” Nagkamayan sila at winika ni Ben,”Hindi sinabi sa atin sa atin ng mga nuno na dapat naging piliin ay yaman sa halip na mga asawa’t anak.” Kaya tuning naiinis sida sa kanyang mga asana niloloko niya itong sana pinili niya na lamang si Mami Wata. Noong gabing tinaboy niya si Mami Wata pumunta ito kay Dr.J.M. ang pinakamayamang tao sa buong bansa pero hindi pumayag si Mami Wata na magpakasal sa kanya. Nang namatay siya lahat ng kanyang yaman ay napunta sa iba. ”Iba ba ang klase ng yamang hanap natin? Tinatanong kita. Sana hindi!” Ito ang huling linya sa maikling kwento pinaparating nito na dapat pahalagahan natin ang pamilya natin kaysa sa pera. Walang hihigit na kayaman sa isang pamilya.

Mga Talulot na Dugo






Mga Talulot na Dugo - Kabanata 2
(Nobela mula sa Kenya)
Salin ni Romeo G. Dizon ng Petals of Blood ni Ngũgĩ wa Thiong'o








I. PAGKILALA SA MAY-AKDA👨

                Si Ngũgĩ wa Thiong'o ay ipinanganak sa Kenya sa pamilyang magsasaka. Siya  ay unang ipinanganak bilang James Thiong’o Ngugi in Limuru sa Kenya noong 1938. Isinulat niya ang nobelang "Petals of Blood" o "Mga Talulot na Dugo" na kasasalaminan ng mga nangyari sa Kenya tulad ng inhustisya at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan na nag-udyok kay Ngũgĩ wa Thiong'o para isulat ang nobelang ito.

                Ang kanyang nobela ay tumutukoy sa panitikang-pampulitika. Kakikitaan rin ang nobelang ito ng pag-aalinlangan ng tao sa pagbabago pagkatapos lumaya ng Kenya mula sa Imperyo ng Britanya. Binibigyang tuon din dito kung paano tinutularan ng malayang Kenya ang patuloy na pang-aapi sa kanila na natagpuan sa panahon nito bilang isang kolonya. Dahil sa kanyang nobela, inaresto at ikinulong siya nang walang isinasampang kaso. Sa loob ng piitan, napagpasiyahan niyang talikuran ang wikang Ingles at yakapin ang wikang Gikusyu, wika ng kanyang bayan.

II. URI NG PANITIKAN📚     

                Ang "Petals of Blood" o "Mga Talulot na Dugo" ay isang nobela na isinulat ni Ngũgĩ wa Thiong'o ng limang taon at nailimbag noong 1977. Ang nobela ay isang mahabang uri ng piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Ang istoryang "Mga Talulot na Dugo" ay isang nobela dahil ito ay nagsalaysay ng mga pangyayaring malawak ang saklaw at kinakikitaan ito ng mga sumusunod na katangian:

•Pumupuna sa larangan ng buhay- naka base ito sa katotohanan na may layuning mabuksan ang mga mata ng mambabasa ukol sa mga nangyayari sa tao/lipunan. Kakikitaan rin ito ng mga karanasan ng may akda.

•Malikhain- gumamit ang awtor ng mga malalalim at matatalinghagang salita na epektibong nakatulong tungo sa kasiningan at kariktan ng nobela.

•Malinis at maayos- Malinaw ang ang mga ideya at ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari.

•Maraming ligaw na tagpuan- hindi lamang iisa ang tagpuan/panahon.

•Pumupukaw sa damdamin ng mambabasa- naaakit ang mga mambabasa dahil kawili-wili ito .

∴Dahil sa mga katangiang ito, mapatutunayan na isang malikhaing nobela ang Mga Talulot na Dugo.



III. LAYUNIN NG AKDA🔍📍


                Layunin ng akda na imulat ang mga mambabasa sa mga nangyayari sa paligid. Nais nitong ipuon ang atensyon ng mga tao sa isang lugar na may nagaganap na kaguluhan/pangyayari. Ibig ng may-akda na ibuhos ang tingin sa kakulangan ng kaalaman at gamit sa edukasyon sa ilang mga probinsya sa Africa partikular na sa Ilmorog. Kahit alam nilang mababa ang edukasyon nila doon ay hindi padin sila nawawalan ng pag-asa na mabago ito. Isa rin sa layunin ng kwentong ito na kaya magbago ang isang sitwasyon/tao/bagay kung merong kikilos. Walang imposible sa mundo.

👉TEORYANG PAMPANITIKAN👈

1. Sosyolohikal - Ipinapakita rito ang kalagayan ng isang lipunan sa akda kung saan ang Ilmorog ay may problema sa kanilang edukasyon doon.

2. Eksistensyalismo - Ipinakita rito sa akda na pinili ni Munira na manatili sa Ilmorog sa pag-asang mababago pa ang edukasyon doon.

3. Realismo - Ipinakita rin sa akda ang mga naranasan at nasaksihan ng may akda sa kanyang lipunan.

IV. TEMA O PAKSA NG AKDA💡

               Ang tema ng akdang “Talulot ng Dugo” ay karaniwang umiikot sa edukasyon at sa mga lupain. Sa unang bahagi ng nobela ay ipinakita na walang maayos na sistema ng edukasyon at hindi sapat ang mga nalalaman ng mga kabataan doon. Karamihan sa mga bata ay maagang nagtrabaho at nagpapastol sa mga lupain upang tulungan ang kanilang mga magulang. Binigyang pansin din sa akda ang kahalagahan ng edukasyon at ipinakita ito sa unang bahagi pa lamang ng nobela. Kahit na walang maayos na pook upang pagdausan ng klase ay nagturo at nagsikap si Godfrey Munira upang turuan ang mga bata kahit na siya ay tinataguan nito.

V. MGA TAUHAN👦👧👨👩


MGA PANGUNAHING TAUHAN

Munira - Lalaking masipag na nagpupunta sa isang sira at lumang paaralan upang magturo. Nahulog ang kanyang loob kay Wanja. Isang manununog na hinahanap ng mga pulis.

Karega - Batang lalaki na nagtatrabaho bilang isang katulong sa pagtuturo ni Munira sa paaralan. Bago matapos ang paglalakbay sa Nairobi, naging interesado siya sa sosyalismo, at nagsimulang ituro sa kanyang sarili ang mga prinsipyo at mga batas. Gayunpaman, sa kalaunan siya ay naging dislusyonal sa epekto ng edukasyon. Bilang isang binata, niligawan niya ang kapatid ni Munira na biglang nagpakamatay; ito ay hindi alam ni Munira hanggang sa sinabi na lamang ni Karega ito sa kanya at sa iba pagkatapos malasing sa pag-inom ng Theng'eta.

Wanja - Apong babae ni Nyakinyua. Isang bihasang barenido na iniwan ang kanyang nakaraan sa lungsod. Siya ay nahulog kay Karega, bagaman siya ay may natitirang pag-ibig pa rin kay Munira. Siya ay maturulog kay Abdulla dahil sa kanyang paggalang sa mga nagawa nito sa rebelyong Mau Mau. Isang masipag na barenida, tinulungan niyang maging matagumpay si Abdulla sa kanyang tindahan. Nang maglaon, naging isang kalapating mababa ang lipad(prostitute) bago madamay sa pag-atake ni Munira.

Abdulla - Isang tindero na nawalan ng binti sa rebelyong Mau Mau. Ang kanyang pangungahing mga pinagkakakitaan sa buhay ay ang kanyang tindahan, asno(donkey), at si Joseph na inalagaan at tinuring niyang parang sariling kapatid.


💥IBA PANG MGA TAUHAN SA AKDA💥 

Nyakinyua - Ang matandang babae na nakitang tumae sa pagitan ng paaralan at ng akasya. Isa sa mga pinakaginagalang na babae sa nayon.

Muriuki – Batang lalaki na ayaw mag-aral. Natagpuan ni Munira sa burol habang bumababa sa kanyang kabayo.

Waambui – Ina ni Muriuki.

Joseph – Maliit at patpating kasama ni Abdulla. Inalagaan at itinuring niya ito bilang isang kapatid.

Ndemi - Isang maalamat, ang kanyang espiritu minsa’y nagtanod sa bayang Ilmorog bago dumating ang imperyalismo at palitan ang plano ng mga bagay. 

Mwathi wa Mugo – Siya ang nangutya sa maalamat na si Ndemi, ang nagsabi na gawing banal para sa mga tagaytay at kapatagan at naghatol ng paghadlang.

Mzigo - Isang kapitalista sa Kenya.Siya ang nagpadala kay Munira sa Ilmorog. Ginamit ito ng manunulat bilang representasyon ng iba’t ibang lebel at uri ng tao sa Kenya noon.

Muturi, Njuguna, at Ruoro – Mga nakaririwasang pesante na naglulutas ng mga hidwaan sa pagitan ng mga pamilya pati na rin sa kanilang komunidad.

Ang mga Bata -Sila ang mga gustong turuan ni Munira sa nayon.


VI.TAGPUAN📍⏰

Ilmorog - Ito ang bayan kung saan nagpunta si Munira upang magturo sa mga kabataan na huminto sa pag-aaral.

Abandonadong paaralan- paaraln na sira at may pintuan, halos gumuhong mga pader, at kinakalawang na mga bubong.

Pagitan ng paaralan at akasya - Dito nakita ng mga bata ang matandang babae na tumae ng gabundok ang dami.

Ilalim ng punong akasya - Sa ilalim ng punong ito unang nagturo si Munira.

kei-apple na bakod ng paaralan -Dito hinintay ng bata si Munira at biglaang nakakita ng isang matandang babae na dumadaan at kanyang nakausap.

Burol at kapatagan - Dito pinakakaskas ni Munira ang kanyang kabayo upang tugisin ang mga nawawalang bata. 

Ruwa-ini - Ito ang kapitolyo ng distrito ng Chiri.

Tagaytay

Tindahan - Sa lugar na ito nagkausap sina Muturi, Njuguna, Ruoro, at Munira.

Labindalawang taon pagkaraan - panahon kung kailan dumating si Munira sa Ilmorog upang magturo.

VII. NILALAMAN O BALANGKAS NG PANGYAYARI📌📃

               Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng hindi pagbigay ng malugod na pagsalubong ng mga mamamayan kay Munira. Hindi siya sinusuportahan ng mga mamamayan ng Ilmorog sapagkat ang mga naunang guro ay ayaw magturo sa paaralan na kanyang napuntahan. Hindi ito karaniwan dahil ang ibang akdang pampanitikan ay nagbibigay ng maligayang pagtanggap sa isang dayuhan. Ipinag bigyang-pansin dito ang dedikasyon ni Munira sa pagtuturo kahit ang kanyang mga mag-aaral ay hindi pinapahalagahan ang kanilang pag-aaral. Ipinakita rin dito kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Abdulla na sumusuporta sa kanyang buhay bilang isang guro. Sa pangkalahatan, mahusay na ipinakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang masmadaling maintindihan ng mga mambabasa ang akda.

VIII. MGA KAISIPAN🔍🔑💡

1. Iniwan tayo ng ating mga kabataan. Tinawag sila ng kumikinang na bakal.

2. Nahihinto sa pag-aaral ang mga kabataan na nais makatulong sa pamilya o makapagtrabaho.
3. Ang mga kamay ng isang Msomi ay mismong isang aklat.

4. Ang kanilang kausyosohan sa takot na nagtatago sa mga mukhang nakaupo sa mga sulok ng magagarang Mercedes Benz, sa kabila ng mga dingding ng mga mansiyon at mga pribadong klub na dating nakalaan lamang para sa mga Europeo.
5. Ang kanilang katapatan na maipagkakaiba sa malalaking tiyang buntis sa malisya’t katusuhan na binabagtas ang kahabaan ng isang golf course habang nakikipag-ayos ng mga negosyo.

6. Hindi ako nakatitiyak kung ang iba’y hindi pa nagsimulang atupagin lamang ang kanilang mga tiyan.

IX. ESTILO NG PAGKAKASULAT📑✏

               Ipinapakita ng kabanatang ito ang mga pangyayari sa panahon ng pagbabalik ni Munira sa Ilmorog. Binigyan ng may-akda ng maraming detalye ang mga pangyayari na binanggit upang matulungan ang mga mambabasa sa pagbibigay ng imahe dito. Ngunit, dahil sa pagkakaroon ng masyadong maraming detalye na ibinigay at sa paggamit ng mga malalalim na salita, maaaring tamarin ang ibang mambabasa sa pagbabasa nito.

X. BUOD📜📝

               Ang "Talulot na Dugo" ay isang nobelang panlipunan at pampulitikang pintas na inihagis sa anyo ng isang kuwento sa krimen. Tatlo ang mga direktor ng lokal na serbeserya sa Ilmorog ang namatay dahil sa sunog. Arson ang pinaghihinalaang nangyari, at ang nobela ay bubukas sa pag-aresto sa apat na pangunahing mga karakter: Munira, ang kalaban, punong-guro ng paaralan sa Ilmorog; Karega, isang guro sa paaralan; Abdulla, ang may-ari ng isang lokal na tindahan at bar; at Wanja, isang dalaga na nagtatrabaho sa tindahan ni Abdulla at nang maglaon ay naging isang patutot.

               Ang kuwento ay nagsisimula sa isang serye ng paglilipat ng mga oras, lumipat mula sa kasalukuyan hanggang sa nakaraan. Ito ay labindalawang taon bago ang panahon ng malalang apoy na unang ginawa ni Munira sa nayon ng Ilmorog. Dumating siya dahil gusto niyang magtatag ng isang paaralan na magbibigay sa mga batang nayon ng isang mabuting Kristiyanong edukasyon. Noong panahong iyon, ang Ilmorog ay isang maalikabok, nag-aantok, walang katapusang lugar ng isang nayon, at dahil ang iba ay dumating sa harap niya at umalis din, ang lahat sa Ilmorog ay naniniwala na si Munira ay "papalayo na sa hangin." Gayunman, si Munira ay gawa sa matigas na bagay na hindi basta-basta nasisira. Nananatili at nagpanukala siya sa suporta ng iba, kabilang si Abdulla, Karega, at ang kaakit-akit na Wanja; ang isang malaking bahagi ng nobela ay nakatuon sa pagbubunyag ng paraan kung saan ang buhay ng apat na mga tao na ito ay nalilito.

               Si Inspector Godfrey, isang malakas na mananampalataya sa pulisya bilang "ang gumagawa ng modernong Kenya," ang namamahala sa pag-imbestiga sa pagkamatay ng tatlong direktor. Si Godfrey ay isang walang humpay na interogador ni Munira at ng kanyang mga kaibigan, at sa pamamagitan ng kanyang pagsisiyasat ang mambabasa ay natututo tungkol sa apat na pangunahing mga character at ang kanilang paglahok sa isa't isa.

               Ipinahayag din ni Ngugi ang mga pagbabagong pisikal at espirituwal na nagbago sa nayon ng Ilmorog mula sa isang "maliliit na kumpol ng mga putik na putik" sa isang nagdadalamhati na bagong bayan "ng mga bato, bakal, kongkreto at salamin at mga ilaw ng neon." ng materyalistang bagahe na nauugnay sa pag-unlad sa Kanluran, at sa "pag-unlad" na ito ay dumating.

Friday, December 29, 2017

Handa Akong Mamatay

HANDA AKONG MAMATAY
(Talumpati Mula South Africa)
Malayang Salin ni Doyle Camba ng "I am Prepared to Die" ni Nelson Mandela

1. PAGKILALA SA MAY AKDA
       Sa taong 1948, ang halalan sa South Africa ay ang mag-iiba sa kapalaran ng mga Africans at isa sa mga hindi makakalimutan na historya sa bansa. Dito nagsimula ang diskriminasyon sa mga Africans. Simula noong ang mga puti ang namumuno sa bansa ay mas lalong nawawalan ng karapatan ang mga African. Ito ang napansin ni Nelson Mandela.
Nelson Mandela

      Ang buong pangalan niya ay Nelson Rolihlahla Mandela o mas kilala bilang “Madiba”. Siya ay ipinanganak noong ika 18 ng Hulyo noong 1918 sa Mvezo, South Africa. Noong nagkolehiyo siya ang kinuha niyang kurso ay ang pag aabogado. Habang nag-aaral ay naranasan niya ang diskriminasyon dahil siya lamang ang estudyanteng black African ngunit kahit ganito ang naranasan niya ay naging abogado siya at siya ang kauna-unahang abogadong black African. Noong 1944, tumulong siya na itaguyod ang African National Congress Youth League, kung saan siya ang naging leader. Gusto niyang mawala ang karahasan sa South Africa ngunit ang gobyerno na mismo ang pumapatay at nananakit sa mga nagpoprotesta. Siya din ang nagsimula ng protesta kasama si Walter Sisulu at iba pang tao na hinahangaan niya na katulad ni Mahatma Gandhi.

   At dahil dito ay nahatulan siya ng panghabang buhay na pagkakakulong noong 1962. Pero noong 1990 ay napwalang sala siya sa Victor Verster pagkatapos ng 27 na taon.  Noong taon 1994 ay kumandidato siya bilang isang presidente kung saan siya ay nanalo. Siya ang kauna- unahang black African na Presidente sa South Africa. Namatay siya noong ika-5 ng disyembre noong 2013 dahil sa impeksyon sa baga. Siya ngayon ay nakalibing sa Houghton Estate, City of Johannesburg Metropolitan Municipality sa South Africa.

     Gusto niyang iparating ang opinyon niya at karanasan niya sa mga tao. Habang nabubuhay siya ay ginawa niya ang lahat para itigil ang diskriminasyon at paghihirap ng mga Africans na katulad niya. Gusto niya ng kapayapaan at pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi. Totoo ang kanilang laban, hindi sila nagkukuro-kuro lamang o gumagawa lang ng kwento. At dahil dito, ang kanyang mga karanasan at mga ipinaglalaban ang nagpaudyok sa kanya na isulat ang talumpati na ito. Isang talumpati na nagsasabi ng totoong pangyayari at naghahalina na itigil na ang kahirapan at kawalan ng dignidad.


2. URI NG PANITIKAN

            Sa sanaysay na aming binasa na “Handa Akong Mamatay” ni Nelson Mnadela ay masasabing  isa itong talumpati. Marami kang mababasang opinyon, mga katwiran at paniniwala. Ang Talumpati ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa at ito ay binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.  Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. Kakaiba ito sa ginagawa nating pagsasalita sa araw – araw at sa iba pang anyo ng panitikan. Ang talumpati ay pinaghahandaan bago bigkasin sa madla.
May makikita ka din dito na katibayan na nagsasabi ng katotohanan si Nelson Mandela katulad ng mas mababang pagsahod sa mga African kaysa sa mga puti, magkaiba ang antas ng edukasyon, mas mataas ang ginagatos ng pamahalaan para sa mga puti kaysa sa mga African at higit sa lahat ang hindi makatarungan na batas na iniaatas ng mga puti sa mga Africans.  May ibinigay din siyang mga impormasyon ukol sa kalagayan ng kapwa niyang African. Ipinahayag niya ang kanyang opinyon sa pamamagitan ng pagsulat dahil iligal sa kanila ang magwelga o magreklamo sa pamahalaan.


3. LAYUNIN NG AKDA
              Layunin ng talumpati na ginawa ni Nelson Manddela ay ipahayag sa mundo ang malawakang diskriminasyon na nagaganap sa South Africa. Pinakamayaman nga ang South Africa sa buong Africa pero sa katulad ni Nelson ay para ka pa rin nakatira sa isang mahirap na bayan dahil sa pang aalipin ng mga puti sa kanila. Layunin din nito na labanan ng mga Africans ang diskriminasyon na nararanasan nila at huwag matakot na ipahayag ang sariling opinyon dahil bilang isang tao ay may karapatan silang magpahayag ng sarili nilang damdamin. Kung wala silang karapatan ay pang-habang buhay na rin silang magiging lumpo. Kahit alam mo na ang bansa mo’y para sa mga puti hindi naman makatarungan na pati karapatan mo bilang isang tao ay tuluyan na ring mawala.
              Masasabing isa itong Teoryang Sosyolohikal dahil ipinapakita ng may akda ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan niya. Itong paksa na ito ay ipinapahayag ang mga dinaranas na diskriminasyon ng mga Africans sa lipunan at ang mahirap na pamumuhay rin nila sa South Africa. Ang talumpati ang nagbigay daan upang maipahayag sa mga tao ang kanilang dinaras na diskriminasyon sa mga puti at ang nawawala nilang karapatan bilang tao. Pwedeng maikonekta rin ito sa Teoryang Realismo dahil ipinakita sa talumpati ang naranasan ng may akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Tulad ng mababang pasahod sa mga African kahit hirap na sila sa buhay samantala ang mga puti naman ay nasa magandang pamumuhay at mas prayoridad sila kaysa sa mga Africans.

4. PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
Mailalapat ang TEORYANG REALISMO sa tula. Ito ay teoryang naglalayong magpakita ng karanasan at nasaksihan ng may akda. Ang may-akda na si Nelson Mandela na isang African ay ikinwento ang totoong karansan ng mga kapwa nya African noon. Inilahad niya rito ang hindi pantay na pagtrato at pagtingin sa kanila lalo ng mga puti.
Sa kabilang banda, mailalapat rin ang TEORYANG MARXISMO. Ang teoryang ito ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutugon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan. Makikita sa akdang ito ang pagiging nasa taas ng mga puti na marangya ang buhay sa kabila ng pagiging nasa baba ng mga African na puno ng karukhaan ang buhay.


5. TEMA O PAKSA NG AKDA

          Ang tema ng talumpati ni Nelson Mandela ay tungkol sa mga sumusunod: pantay na pagtrato sa lahat, kalayaang magpasya at gawin ang hinihiling ng kahit sino man at karapatang makapag-aral at makapag trabaho sa napiling kurso.


6. MGA TAUHAN/KARAKTER NG AKDA
        
          Ang mga tauhan at karakter ng akda ay ang sumulat ng akda, mga African at mga puti. Ang sumulat ng akda ang siyang naging tagapaglahad ng kwento na gumamit ng unang panauhan. Ang mga African na ginawang “alipin” ng mga puti. Huli ay ang mga puti na namuno sa mga African.

7. TAGPUAN/PANAHON
Maraming nagdaan na panahon na naranasan nila ang diskriminasyon at kawalan ng karapatan nila ngunit iginiit na nila ang pagbabago sa polisiya ng National Liberation Movement noong Hunyo ng 1961 sa bansang South Africa.

8. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Sa akda na ito makikita ang pamumuhay ng mga African sa sarili nilang bansa. Habang patuloy mo itong mababasa mas malalaman mo ang pinakamalaking problema sa kanilang bansa: Ang diskriminsayon.
Karamihan sa mga pangyayari sa akda ay karaniwan na saatin halimbawa na lamang ay ang diskrimasyon. Makikita ang diskriminasyon sa halos lahat ng bansa sa ating mundo. Diskriminsayon sa mga puti at itim, diskriminasyon sa mga Asyano at Amerikano at diskriminasyon sa mayayaman at mahihirap. Isa pang halimbawa kung bakit karaniwan ito ay dahil sa hindi pagkakapantay pantay ng karapatan para sa mga tao. Noong unang panahon ay sinakop tayo ng Kastila, Amerikano at Hapon. Doon naranasan ng mga Pilipino ang maalipusta at maituring na mga alipin. Katulad ng akda na ang mga itim na african ay pang mga mababang posisyong lamang at ang mga puti ang namumuno at nasa matataas na posisyon.


9. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
         
            Ang mga sumusunod ay ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa akda:
  • ·       Kayang gawin ng isang tao ang lahat makamit lamang ang hinahangad para sa sarili, sa kapwa at sa bayan.
  • ·       Ang gobyerno ay masakim at makasarili. Pinapakita nila na may ginagawa sila ngunit ang totoo ay ang tanging pinoprotektahan nila ay ang kanilang kayamanan at kapangyarihan hindi ang mga tao sa kanilang bansa.
  • ·       Ang mayayaman ay patuloy na yumayaman samantala ang mahihirap naman ay pahirap nang pahirap.
  • ·      Ang karapatan ng bawat isa at dignidad ng tao ang pinakaimportante sa lahat dahil ito ang bumubuo sa pagkatao ng isang tao. Kung wala nito ay hindi mabubuhay ng malaya ang bawat isa.
  • ·     Malalagpasan ang lahat ng problema ng bansa katulad na lamang ng pang ekonomiyang problema at diskriminasyon kung ang lahat ng tao ay magkakaisa at magmamahalan kahit ano pang kulay, kahit ano pang lahi at kahit ano pang estado para sa kanilang bansa.

10. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

         Ang nilalahad ng talumpati ay ang mga hinaing ng mga itim o mga Native African patungkol sa pamamalakad ng pamahalaan at sa pagmamaltrato ng mga puti sa kanila.

         Hinihikayat ng talumpating ito ang gobyerno o pamahalaan ng South Africa na baguhin ang mga batas na hinahadlangan ang kanilang kalayaan.

           Sa pamamagitan ng pagtatalumpati ni Nelson Mandela ng mga nangyayari sa kanyang bansa ay nailalahad niya at pagmamaltrato at pang aalipusta ng gobyerno at mga puti sa kanila.

BUOD

             Nakaranas ang may akda ng pangmamaliit ng mga puti sa kanilang mga Afican. Dahil dito, gumawa siya ng talumpati upang maipaalam sa iba't ibang mga tao ang kanilang mga nararanasan. Inilahad niya ang ang paraan ng pamumuhay ng mga kapwa niya African. Ang iba ay namumuhay sa masisikip na lugar at may mga tigang na lupa, ang iba naman ay namumuhay bilang trabahador at iskuwater sa mga sa mga bukid, at ang iba naman ay namumuhay sa bayan ngunit mayroong mababang pasahod at mataas na presyo ng mga gastusin. Kasama rin ang sakit at malnutrisyon na nagpahirap sa South Africa. Maraming namatay dahil sa iba't ibang malalang sakit. Pati na rin ang edukasyon ay isa sa kanilang mga pinoproblema sapagkat ang mga puti lamang ang binibigyang pansin sa pagkakaroon ng maayos na edukasyon. Ang kawalan ng dignidad bilang isang tao ay naranasan din ng mga African dahil sa pangingibabaw ng kapangyarihan ng mga puti.

"No one truly knows a nation until one has been inside its jails. A nation should not be judged by how it treats its highest citizens but its lowest ones." - Nelson Mandela 

Para sa mas malalim na pagsasapuso ng talumpati, panoorin ang video presentation sa ibaba: 

Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi (Halimbawa ng Isang Suring-Basa)

Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi
Isinalin ni Moreal Camba
Mula sa "Woyengi - Eksena III" ni Obutunde Ijimere
Sinuri ng Pangkat Apat (10 - Maxwell)


1. PAGKILALA SA MAY AKDA
Si Horst Ulrich Beier o Ulli Beier ay isang Aleman na editor, manunulat at iskolar ng Aleman, na naging magaling sa pagbubuo ng literatura, drama, at tula sa Papua New Guinea. Nag-asawa siya ng isang Austrian artist na si Susanne Wenger ngunit di nagtagal ay sila ay nagdiborse sa unang bahagi ng 1960s. Nag-asawa uli si Beier ng pintor na si Georgina Betts, isang English woman mula sa London na nagttrabaho sa Nigeria. Nang sumiklab ang digmaang sibil ay iniwan nila ang bansa at lumipat sa Papua New Guinea. Si Beier ay nanirahan sa Sydney, Australia, kasama ang kaniyang asawang si Georgina Beier. Namatay siya sa edad na 88 noong ika-3 ng Abril 2011.

2. URI NG PANITIKAN 
Ang uri ng panitikan na ginamit ay dula. Ang dula ay nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Ang layunin ay itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok na tanghalan ng mga tauhna. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatist, o dramaturgo. May mga sangkap din ang dula. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: 
• Simula – mamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. 
• Gitna – matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. 
• Wakas – matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan. 

3. LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin ng Dulang “Woyengi: Sa kaharian ng Sembi” ay ipakita ang kalakasan ng mga kababaihan. Ipakita na hindi kailangan pagdudahan ang kakayahan ng isang tao (karamihan ay mga babae) dahil lamang sa kaniyang panlabas na anyo. Sinasabi rin sa akda na hindi porket babae ay kikilalanin na bilang pangbahay lamang, minsan ay kaya rin pantayan ng mga babae ang mga lalaki. Sila ay hindi dapat minamaliit at kailangan tratuhin nang maayos dahil lahat ng tao ay pantay-pantay.


PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
Mailalapat ang Teoryang Feminismo sa dula. Ang teoryang ito ay nagpapakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Sa pagmamaliit ni Isembi sakanya, ipinagtanggol ni Oboinba ang kaniyang sarili sa pagsabi ng “Huwag mong hamakin ang aking pagkababae! Humaharap ako sa iyo ngayon: walang kasarian, walang matris.”. Nakikita ang Teoryang Feminismo rito dahil ipinaglalaban niya ang kakayahan ng mga kababaihan at matagumpay na sinira ang ‘stereotype’ sa mga kababaihan matapos niyang matalo si Isembi.

Maaari ring mailapat ang Teoryang Eksistensiyalismo rito dahil nagdesisyon si Ogboinba na huwag sundin si Isembi, hindi siya nagpadala sa utos ng isang hari at bagkus ay sinunod ang sarili niyang gusto.

4. TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema ng dula ay tungkol sa mga sumusunod: paniwalaan ang sariling kakayahan, wala sa sekswalidad ng tao ang sukatan ng kaniyang kalakasan at kahinaan, huwag magpa-api sa mga nakakataas, huwag susuko kapag may pagsubok na humarap, at pagkakaroon ng malakas na personalidad kahit ikaw ay minamaliit.

5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Isa sa dalawang tauhan sa dula ay si Isembi, ang Hari ng Kagubatan. Siya ay hambog at mapagmaliit, lalo na sa mga kababaihan. Inilarawan siya bilang isang “Haring walang kapangyarihan” at “Isang inutil na pinuno” ni Ogboinba, na kaniyang minamaliit. Sa umpisa ay nagpakita siya ng katapangan gaya ng isang hari, ngunit lumabas ang kaniyang pagkamahina matapos ang dasal ni Ogboinba. 

Ang ikalawang tauhan ay ang matapang na si Ogboinba. Kahit na siya ay minamaliit ni Isembi dahil sa kaniyang sekswalidad, hindi siya nabahala, at ipinakita niya na hindi masusukat sa sekswalidad ng isang tao ang kaniyang kalakasan at kahinaan. Malakas ang kaniyang personalidad--hindi siya agad sumuko kahit na siya’y nanghihina na, sa halip ay pinatunayan niyang tunay siyang malakas at sinira ang pag-iisip ni Ogboinba sa kababaihan.

6. TAGPUAN/PANAHON
Nabanggit sa dula na ang naging ang naging tagpuan dito ay sa gubat o kagubatan. Sa simula ng dula sinasabing dito si Ogboinba pumasok kasama ang dalawang espiritung kapangyarihan, samantala si Isembi, bilang hari ng kagubatan ay nandito na at sinusundan ng dalawang nilalang na mukhang ibon na nagsisislbi ring kaniyang espiritung kapangyarihan. Sa storya ay dito rin sila nagtagpo at naglaban. 

7. NILALAMAN AT BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Sa pagbasa ng dula ay maaaring ito ay ordinaryo o karaniwan na lamang para sa iba dahil ito ay nagpapakita ng isang katauhan, si Ogboinba na gusto maangkin ang kaharian at kapangyarihan ng hari ng kagubatan na si Isembi. Ngunit hindi hinayaan ni Isembi na agad-agad itong makuha sa kanya kung kaya nagkaroon ng sagutan sa pagitan nila at ito'y nauwi na sa labanan gamit ang kanilang kapangyarihan upang malaman kung sino ang mas malakas at makapangyarihan. Karamihan sa mga storya ay ang hari o ang mas nakakataas ang nananalo dahil madalas na inaasahan na magiging malakas ito at mas may abilidad, ngunit rito sa dula, sa huli si Ogboinda ang nagwagi at naging mas makapangyarihan sa labanan nila ni Isembi na siyang dahilan kung bakit ang dulang ito ay naiiba sa lahat. Napatunayan ni Ogboinba na siya ang nagtagumpay sa kanilang labanan matapos lisanin ng mga kapangyarihan ni Isembi ang kanyang katawan at unti-unti na siyang nanghina. 

8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA 
"Dapat pantay-pantay ang pagtingin ng tao sa lahat." 
Sa dula ay maipapakita ang hindi pantay na pagtingin ni Isembi sa mga kababaihan sa kadahilanang si Ogboinba ay isang babae. Hindi niya inakala na may abilidad itong matalo siya dahil iniisip nito na siya'y isang babae lamang, mahina at hindi pa rin magiging sapat ang kapangyarihan na meron ito laban sa kung ano ang meron siya. Nagiging isyu na rin ito sa kasalukayan ngunit lahat tayo ay dapat may pantay-pantay na pagtingin at pagtrato sa iba dahil bawat isa sa atin ay may karapatan at pagkatao na dapat nating respetuhin.  

"Nothing in life is permanent, be humble." 
Maraming tao ang nakakaranas ng pagsisi sa huli dahil sa pagmamataas ng kung ano ang meron at masyadong pagpapabaya rito. Ang hari ng kagubatan, si Isembi, ay naging kampante at mapangabuso sa kaniyang kapangyarihan. Kampante dahil sa kaniyang pagtataboy kay Ogboinba dahil isa itong babae at ang alam niya ay kaya niya ito talunin at mapaalis sa gubat. Mapangabuso naman dahil ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang maliitin ang iba at pagbawalan na makatapak sa kaniyang kaharian. Kung kaya sa dulo ay nakuha ni Ogboinba ang kaniyang kapangyarihan at kaharian at nawala lahat ng ito sa kanya dahil sa pagiging mapagmataas niya. 

"Mas nakakataas na parusa ang pagkawala ng tao o bagay na importante sayo kesa sa kamatayan." Sinasabi na pag may mahalaga sayo na nawala ay para ka na ring namatay, mas matinding sakit ang iyong nararanasan dito kaysa kapag ikaw ay namatay. Katulad na lamang sa dula, nawala lahat ng kapangyarihan at kaharian ni Isembi sa kanya kung kaya siya ay nanghina na at nawalan ng lakas. Dapat din na ito'y mauuwi pa sa kamatayan ni Isembi ngunit hindi na ito tinuloy ni Ogboinba kahit karapat dapat na siyang mamatay. Sa kabila nito ay mas magiging parusa kay Isembi na mabuhay pa dahil kailangan niyang maharap ang parusang kapalit ng kaniyang pagpapabaya sa kung ano ang meron siya.

9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Sa pagbasa ng dula ay sinabi agad sa umpisa ang problema na namamagitan sa dalawang tauhan. Sa bandang gitna ay gumamit ang may-akda ng mga malalalim na salita upang matandaan ng mga mambabasa ang mga ibinigay na salita. Direkta ang paglalahad at ito rin ay may kasamang pantasya kaya ito ay angkop para sa mga kabataan. Makikita rin dito ang labis na paggamit ng tayutay. Ang dulang ito ay simple ngunit may maganda itong aral na madaling maiintindihan ng mambabasa.

10. BUOD
Ang dula ay nagumpisa sa loob ng gubat nang magkita sina Ogboinba, isang mortal na babae, at Isembi, ang Hari ng Kagubatan. Dala-dala nila ang kanilang espiritung kapangyarihan. Pinagbantaan ni Isembi si Ogboinba na huwag na tumuloy sa gubat pero ayaw makinig ni Ogboinba. Minaliit siya ni Isembi at nagpalitan sila ng dasal hanggang sa napunta ang espiritung kapangyarihan ni Isembi kay Ogboinba, iniwan niya si Isembi sa gubat na walang kalakas-lakas at nangingisay tulad ng buntot ng butike.